Gusto mo ba ng araw ng pahinga, pagtaas ng suweldo, libreng WiFi at suporta ng unyon?

Basahin sa ibaba

Petisyon sa Kolektibong kasunduan sa ibaba ng pahina

Isinusulong ng MUA na makakuha ng Kolektibong Kasunduan upang maihatid sa tripulante ng Carnival Cruises sa Australya ang regular na araw ng pahinga, pagtaas ng suweldo, libreng WIFI, at suporta ng unyon para hamunin ang hindi patas na desisyon ng pamunuan.

Kailangang mapatunayan ng Unyon sa Pamahalaan ng Australya na ang mga tripulante ay nais ng Kolektibong Kasunduan na naghahatid ng mga bagay na ito.

Kung gusto mong makipag-negosasyon ang Unyon ng Kolektibong Kasunduan para sa Carnival Crew sa Splendor, Adventure, at Encounter, idagdag ang iyong pangalan sa petisyon sa ibaba at makiisa sa pagsulong para mapabuti ang buhay ng Carnival Crew:

***ANG PETISYON NA ITO AY 100% KUMPIDENSYAL - HINDI MALALAMAN NG CARNIVAL KUNG SINO ANG NAGDAGDAG NG KANILANG PANGALAN***

Pumirma sa ibaba